Iniwan ni misis, mister nagbigti
MANILA, Philippines – Makaraang tuluyang iwanan ng kanyang misis isang 36-anyos na mister ang natagpuang patay matapos magbigti sa loob ng kaniyang bahay sa Pandacan, Maynila, kamakalawa ng umaga. Nadiskubre lamang ang nagbigting biktima na si Richard Pascual, ng Zamora St., Pandacan, Maynila dakong alas-9:00 ng umaga kamakalawa sa kanyang kuwarto nang puntahan ng kasama sa bahay na si Joselito Braga upang yayaing mag-almusal.
Ayon sa pulisya, isang kawad ng kuryente ang ginamit nito sa pagbibigti habang isang suicide note umano ang nakita sa tabi nito na nagsasaad ng galit sa misis at sa pagseselos niya. Nabatid na ikalawang pagkakataon nang nagtangka ang biktima na magpakamatay na sa una ay hindi natuloy nang balikan ng asawa. Nag-away umano ang biktima at misis nito dahil sa paghihinala ng una na may karelasyon ang misis hanggang sa maglayas ang huli.
- Latest