^

Metro

100 bahay naabo, 7 sugatan sa Tatalon fire

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pito katao kabilang ang nasugatan sa sunog na luma­mon sa may 100 bahay sa Brgy. Ta­talon lungsod Quezon, kamakalawa ng gabi. Sa inisyal na ulat ni Supt. Jesus Fernandez, city fire marshal, nakilala ang mga biktima na sina Ma­nuel Claudio, Jordan Bantilo, Supt. Cospolo Diaz, P/Insp Rollo, PO1 Zoilo Nazario, FO1 Batuto, at Erman Del Castillo.

Si Claudio na isang fire volunteer ang iniulat na nasa malubhang kalagayan dahil sa tinamo nitong 1st degree burn matapos na madaganan at ma­kuryente sa bumagsak na poste ng Meralco habang ina­apula ang sunog.

Habang ang ibang sugatan ay nadikit naman sa nag-spark na kuryente ng poste kung kaya nagtamo rin ng mga injuries sa kanilang mga katawan. Agad namang nilapatan ng lunas sa malapit na ospital ang mga nasabing sugatan

Ayon kay Fernandez, nagsimula ang sunog sa pinapaupahang apat na palapag na bahay ng isang Napoleon Bantelo at inupahan naman ng mag asawang alyas Lito at Lita na matatagpuan sa 70-C Victory Ave malapit sa kanto ng Araneta Ave., Bgy Tatalon, ganap na alas-7 ng gabi.

Mula sa ikalawang palapag ng bahay kung saan naroon ang kusina ng mag-asawa ay may biglang nag-sparked na kuryente hanggang sa tulu­yang lumikha ng apoy at ku­malat sa buong paligid. Dahil dikit-dikit lamang ang mga bahay sa lugar na pawang mga gawa lamang sa light materials mabilis na kumalat ang apoy sa buong lugar.

Ilang mga residente ang nagtangka pang apulain ang apoy sa pamamagitan ng pagbuhos ng mga inigib nilang timbang tubig, pero dahil sa laki ng apoy ay nabigo rin ang mga ito.

Sabi ni Fernandez, sa laki ng sakop ng apoy iniakyat nila sa Task Alpha ang sunog, pero nahirapan din sila bunga ng mga nagbabagsakang poste at mga kawad, bago tuluyang naapula, ganap na alas-9:47 ng gabi.

Mahigit sa 300 pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog na ngayon ay pansamantalang nanunuluyan sa covered court ng barangay. Aabot naman sa P600,000 halaga ng ari-arian ang napinsala dito.

Tinitignan ng mga imbestigador ng BFP ang electrical short circuit ang ugat ng natu­rang sunog dahil base sa ilang residente ay sala-salabat umano ang mga iligal na kawad ng kuryente na nakakabit dito.

ACIRC

ANG

ARANETA AVE

BGY TATALON

C VICTORY AVE

COSPOLO DIAZ

ERMAN DEL CASTILLO

FERNANDEZ

INSP ROLLO

MGA

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with