3 sibilyan na-shotgun
MANILA, Philippines - Tatlong sibilyan ang na-sugatan makaraang maba- ril ng isang security guard nang makalabit nito ang gatilyo ng kanyang service firearm na shotgun sa Pasig City, kamakalawa ng gabi.
Ang mga biktima na pawang ginagamot ngayon sa The Medical City Hospital dahil sa tinamong tama ng bala ng baril na de-sabog sa
katawan ay kinilalang sina Kennon Koi Armamento, 25; Carla Jane Velasco, 23 at Mishella Alfonzo, 30. Agad namang nadakip ng mga tauhan ng Brgy. Security Force saBrgy. San Antonio, Pasig City ang suspek na si Jayrold Riola, 26, ng Tres Ninos security agency at naninirahahn sa Brgy. Merville, Pasig City.
Sa imbestigasyon ni PO3 Erwin Lombredas, nabatid na ang insidente ay naganap dakong alas-9:30 ng gabi sa tapat ng E-Games, Escriba Drive, Brgy. San Antonio, Pasig City.
Ayon sa report, habang ang suspek ay on duty sa kanyang trabaho at nagsasagawa ng routine patrol ay hindi sinasadyang nakalabit nito ang gatilyo ng kanyang shotgun na siyang dahilan para tamaan ng bala ang tatlong biktima.
Nahaharap ngayon ang suspek ng kasong reckless imprudence resulting in physical injuries sa Pasig City prosecutor’s office.
- Latest