^

Metro

Sa pagbibigay prayoridad sa UNIFAST Pasig Rep. Romulo, nagpasalamat sa pangulo

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagpasalamat si Pasig City Rep. Roman Romulo, na siya rin may akda ng Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education (UniFAST) Act kay Pangulong Noynoy Aquino dahil sa ginawa nitong prayoridad ang panukalang batas na nagbibigay ng scho-larship sa mahihirap subalit karapatdapat na mga estudyante.

Bukod dito dapat din umanong purihin ang Kamara at Senado dahil sa maituturing ito na isang landmark legislation dahil sa mapag-iisa nito ang lahat ng pinopondohan ng national government programs para sa scholarship, grants-in-aid at Student Loans for Tertiary Education.

Sa ilalim ng Republic Act no. 10687 o ang Unifast act, magiging supplement ito sa umiiral na Iskolar ng Bayan Act na naglalayong bigyan ng reward at kilalanin ang excellent performance ng top ten na graduating class sa halos 8,000  public schools sa buong bansa.

Bukod dito, ayon pa kay Romulo iba’t ibang benepisyo  mula sa UniFast bill ang makukuha ng mga estudyante kahit naka- graduate ito sa public o private schools at kahit saan anong ranggo at eskwelahan nila nais mag-aral.

Makakakuha rin ng financial assistance ang mga estudyante sa pa­mamagitan ng UniFast upang maipagpatuloy ang kanilang tertiary education maging sa public o private HEIs na umaabot sa halos 2000 gayundin sa Tesda cen-ters.

 

ACIRC

ANG

BAYAN ACT

BUKOD

PANGULONG NOYNOY AQUINO

PASIG CITY REP

REPUBLIC ACT

ROMAN ROMULO

STUDENT LOANS

TERTIARY EDUCATION

UNIFIED STUDENT FINANCIAL ASSISTANCE SYSTEM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with