^

Metro

Dahil sa selos ginang kinatay ng ka-live in

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dahil sa matin-ding selos, isang ginang ang pinatay sa saksak ng kanyang kinakasama, kama­kalawa ng gabi sa Pa­rañaque City.

Dead-on-arrival sa Ospital ng Parañaque ang biktimang si Jea­na­lyn Amores, 28, re-sidente ng Lapid Market Compound, Brgy. Baclaran  ng naturang lungsod sanhi ng tinamong mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang sus­pek na si Jonathan Dionisio, 40, vendor.

Base sa report na natanggap ni Senior Supt. Ariel Andrade, hepe ng Parañaque City Police, naganap ang insidente alas-9:30 ng gabi sa loob ng bahay nang mag-live-in.

Nabatid na matagal nang nagsasama ang biktima at suspek, subalit nakabalita ang suspek  na may ibang lalaking nanliligaw kay Amores.

Dahil dito kinom­pron­ta ng suspek ang biktima hanggang sa nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa.

Sa kainitan nang pagtatalo ng dalawa, nakahagilap ng patalim ang suspek at nagawa nitong pagsasaksakin ang kinakasamang si Amores.

Matapos ang insi-dente ay mabilis na tu­ma­kas ang suspek, samantalang ang biktima ay dali-daling isinugod ng kanyang mga kapitbahay sa naturang pagamutan, subalit hindi na ito umabot ng buhay.

ACIRC

ANG

ARIEL ANDRADE

ATILDE

BACLARAN

CITY POLICE

DAHIL

JONATHAN DIONISIO

LAPID MARKET COMPOUND

SENIOR SUPT

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with