^

Metro

Tubig sa dam tumaas - NDRRMC

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa kabila ng naidulot na pinsala ng bagyong Lando sa paghagupit nito sa bansa partikular na sa Northern at Central Luzon ay nagdulot rin ito ng magandang epekto matapos na tumaas na ang lebel ng tubig sa mga dam.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Ale­xander Pama, malaki ang maitutulong nito sa panahon ng El Niño phenomenom o tagtu-­yot sa bansa.

Ang El Niño pheno­menom ay inaasahang makakaapekto sa bansa hanggang unang bahagi ng 2016 kaya’t pinagtitipid ang mamamayan sa paggamit ng tubig partiku-lar na sa Metro Manila.

Ayon kay Pama,  lubhang nangangailangan ng dagdag na tu­­big ang mga dam par­tikular na sa Central Luzon dahil sa ibinuhos na mga pag- ulan bitbit ni Lando.

Umabot na ngayon sa 201.5 meters ang lebel ng tubig sa Angat Dam  sa Bulacan pero kaila-ngan pa aniyang umabot ito sa 210 meters.

Nakinabang din sa mga pag-ulan ang Pan-tabangan Dam na uma-ngat na sa 199 metro pero ayon pa kay Pama, nanganga­ilangan pa rin ito ng dagdag para maabot ang kinakaila-ngang 216 metro.

Sa kabila nito, hindi pa rin makakasapat ang nasabing nadagdag na tubig sa naturang mga dam para matugunan ang epekto ng El Niño lalo na kung magtatagal ito tulad ng pagtaya ng PAGASA.

ACIRC

ANG

ANG EL NI

ANGAT DAM

ATILDE

AYON

CENTRAL LUZON

EL NI

EXECUTIVE DIRECTOR ALE

LANDO

PAMA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with