^

Metro

Matapos ang filing ng COC, trabaho sa konseho tututukan pa rin ni Isko

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tiniyak ni Manila Vice Mayor Isko Moreno  kanya pa ring gagampanan ang kanyang tungkulin bilang  bise alkalde ng  lungsod gayundin ang pagiging presiding officer ng  city council.

Ang paniniyak ay ginawa ni Moreno sa kabila ng kanyang katatapos lang na deklarasyon ng  pagtakbo sa  Senado sa May 2016. Ayon kay Moreno, kailangan pa rin  niyang  asikasuhin ang kanyang  mga obligasyon  bilang bise alkalde dahil  kapakanan ng  Manilenyo  at Maynila ang nakasalalay dito.

May nakalaan namang panahon  para sa pangangampanya kaya’t hindi umano niya maaaring gamitin ang kanyang  oras para sa pagdinig ng mga  nakabinbing ordinansa at resolusyon sa konseho.

Samantala, sinabi  rin ni Moreno na posibleng hindi pa niya panahon na tumakbo sa pagka-alkalde lalo pa’t  bumubuti ngayon ang lagay ng  lungsod sa ilalim ni Manila Mayor Joseph Estrada. Umapela rin ito sa  mga taga Maynila na magtiis ng konting panahon at tulungan ang mga city officials upang  maisakatuparan na ang tunay pagbabago ng lungsod.

Hindi naman umano makikita ang pagbabago sa isang iglap lamang.

 

ANG

AYON

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

MANILENYO

MAYNILA

MORENO

NBSP

SAMANTALA

SENADO

TINIYAK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with