^

Metro

Top 10 most wanted kumpleto na 3rd drug dealer sa Taguig timbog

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinagmalaki ng Taguig City na nakumpleto nang arestuhin ng pulisya ang mga nasa listahan ng Top 10 Most Wanted sa iligal na droga sa lungsod.

Tinukoy ni Taguig Mayor Lani Cayetano ang pagkakaaresto  kay   Alfonso Dacquel na no. 3 sa listahan sa ikinasang operas­yon sa Brgy. Central Signal Village noong Oktubre 1.

Sinabi ni Cayetano na nabawasan ang salot sa lungsod na naninira ng buhay ng pamilya at kabataan sa pagkakadakip ng lahat ng nasa Top 10 sa iligal na droga.

“Ito ay tunay na magandang balita. Ang lahat ng nasa Top 10 ay napigilan na sa pagpapakalat ng droga sa mga lansangan. Nangangahulugan ito na ang mga mamamayan lalo na ang mga kabataan ay mababawasan ang exposure sa salot na droga,” ani Cayetano.

Ayon kay Taguig Police chief Sr.  Supt. Arthur Felix Asis, si Dacquel, alias Otoy at misis na si Siena Joyce Dacquel, alias Shen, ay magkasamang nahuli sa buy-bust operation na isinagawa ng mga operatiba ng Taguig City Police Station Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Group (SAID-SOTG).

Narekober sa mag-asawa ang anim na plastic sachet na naglalaman ng ‘white crystalline substance’ na pinaghihinalaang  shabu, at may street value na P150,000.

Matatandaang sina Top 1 and 2 drug personalities Michael Butch Tan at Sancho Espiritu nitong Agosto 21 at Setyembre 23. Naaresto rin ngayong taon sina Richard Silvestre, Isidro Llagas, MardieTalampas, Jackie Abone, Adonis Venus, Bags Malay at Rawie Castro, na pawang kabilang sa Top 10. 

 

ADONIS VENUS

ALFONSO DACQUEL

ANG

ARTHUR FELIX ASIS

BAGS MALAY

CAYETANO

CENTRAL SIGNAL VILLAGE

DRUGS SPECIAL OPERATIONS TASK GROUP

ISIDRO LLAGAS

JACKIE ABONE

MICHAEL BUTCH TAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with