^

Metro

Pag-apaw ng Marikina river binabantayan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Round the clock  ang ginagawa ngayong pagbabantay ng mga tauhan ng Marikina City government at rescue team sa posibleng pag-apaw ng Marikina river bunsod ng patuloy na pag-ulan na dala ng bagyong ‘Lando’.

Ayon kay Mayor Del de Guzman, iniutos na niya sa kanyang mga tauhan na bigyan siya ng palagiang update hinggil sa sitwasyon ng pagtaas ng tubig
sa Marikina river.

Layunin ng Alkalde na magkapagsagawa ng aga­rang pre-emptive evacuation sa mga residente na nakatira malapit sa pampang kung sakaling tumaas ang tubig sa ilog.

Dakong alas-9:00 ng uma­ga kahapon ay tumaas na 13.2 meters ang le­vel na tubig sa ilog na mas mataas ng mahigit isang metro kumpara kamakalawa ng umaga.

Sinabi ni De Guzman na  sakaling  aakyat pa sa 14.5 meters ang level ng tubig ay
magbibigay na sila ng abiso sa mga residente na nakatira sa tabi ng ilog na kailangan ng maghanda para sa paglilikas.
Kapag umabot na sa 15 meters ang tubig ay isasagawa na ang evacuation ng mga tauhan ng Marikina rescue team sa mga apektadong residente.

Hindi na umano dapat pang hintayin na may mga residente ang maging biktima ng bagyo.

 

ACIRC

ALKALDE

ANG

AYON

DAKONG

DE GUZMAN

GUZMAN

KAPAG

MARIKINA CITY

MAYOR DEL

MGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with