^

Metro

Pagpapalakas sa social services, itutuloy ni Vice Mayor Joy B sa Quezon City

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pormal nang nag­ha­­rap kahapon ng kan­yang certificate of candi­dacy (COC) si Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte para sa kanyang ikatlong term bilang bise-alkalde sa lungsod.

Sa Comelec District 1 sa Quezon City Hall compound si Belmonte nag-file ng COC kasama ang mga konsehal ng lungsod at libu-libo nitong tagasuporta partikular ang grupo ng mga kababaihan sa lungsod.

Sinabi ni Belmonte na plano niyang higit pang palakasin ang social services projects laluna sa mga prog­ramang laan sa mga kabataan tulad ng edukasyon.

“Gusto kong maging number 1 ang QC sa edu­kasyon, higit pa nating palalakasn at dadagdagan ang social services at disaster reduction” pahayag ni Belmonte.

Bilang Tourism Czar, sinabi ni Belmonte na pasisiglahin pa niya ang QC bilang tourism district kung saan ang mga open spaces sa lungsod ay mapapakinabangan ng mga mamamayan.

Si Belmonte sa ika­lawang term sa QC bilang Vice Mayor ay ibat ibang mga progra­ma ang naipatupad partikular na ang mga livelihood projects sa mga kababaihan, single mom at single tatay, scholarship programs, environment programs, AlkanSSS­ya program sa mga TODA sa lunsod,LGBT prog­rams, health programs, programa sa mga nabibiktima ng karahasan, nasasangkot sa paggamit ng illegal drugs at iba pa.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BELMONTE

BILANG TOURISM CZAR

MGA

QUEZON CITY HALL

QUEZON CITY VICE MAYOR JOY BELMONTE

SA COMELEC DISTRICT

SHY

SI BELMONTE

VICE MAYOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with