^

Metro

Lim naghamon ng jogging, Erap naghamon ng boxing

Doris Franche-Borja at Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naghain na rin kahapon ng kanyang kandidatura si dating Manila Mayor Alfredo Lim kung saan nangako ito na tatapusin niya ang hirap na dinaranas ngayon ng mga Manilenyo sa kamay ni Manila Mayor Joseph Estrada.

Mula Luneta ay naglakad si Lim patungo sa  tanggapan ng Comelec sa Arroceros St., Ermita kasama ang kanyang vice mayoralty candidate na si Manila First District Representative Benjamin Asilo.

Ayon kay Lim, ibabalik niya ang  mga libreng serbisyo ng lungsod gaya ng healthcare at edukasyon sa sandaling makabalik siya sa puwesto.

Nilinaw ni Lim na hindi totoong bangkarote ang May­nila nang bumaba siya sa puwesto noong 2013, dahil may iniwan siya umanong P1-bil­yon sa kaban ng lungsod.

Samantala, hindi sa jogging makikipagtunggali si Estrada kay Lim matapos na hamunin ng huli ang una na mag-jogging sila upang  mapatunayan kung sino sa kanila ang may malakas na pangangatawan.

Ayon kay Estrada, hindi niya papatulan ang jogging dahil sa matatanda lamang ito at posibleng maging sagutin niya ito (Lim) sakaling mag-collapsed.

Mas makabubuti kung  boxing na lamang sila maglaban. Dito ay ipinakita pa ni  Estrada ng kanyang bilis sa pagsuntok. Maghahain na­man ng COC si Estrada ngayong 12 ng tanghali na indi­kasyon ng liwanag sa kanyang  admi­nistrasyon.

Magugunitang nauna nang nag-file noong Lunes ng kanyang COC ang isa pa sa kanilang makakatunggali bilang alkalde sa Maynila si 5th district congressman Amado Bagatsing na nagsabi namang si Lim ang naglubog sa Maynila sa utang, habang si Estrada naman ang nagbaon sa hirap sa mga Manilenyo.

Idinagdag pa nito, na kaawa-awa ang Maynila sa personal na alitan nina Lima at Erap. Ito umano ang dahilan kaya ang kalagayan ng lungsod at nang mamama­yan dito ay patuloy na nako­­kompromiso.

“Ginagawa nilang katatawanan ang mga Manilenyo, ano magagawa ng jogging at boxing sa problemang kinakaharap ng lungsod”, pahayag pa ni Bagatsing.

ACIRC

AMADO BAGATSING

ANG

ARROCEROS ST.

AYON

LIM

MANILA FIRST DISTRICT REPRESENTATIVE BENJAMIN ASILO

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

MANILENYO

MAYNILA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with