^

Metro

Walang ‘areas of concern’ sa unang araw ng filing of candidacy - NCRPO

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Walang nakikitang “areas of concern” ang National Capital Regional Police Office (NCRPO) sa Kamaynilaan sa unang araw ng pag-uumpisa ng paghahain ng certificate of candidacy (COC) ng mga local at national candidates na nais tumakbo sa nakalaang posisyon sa pamahalaan sa 2016 Elections.

Sinabi kahapon ni Police Supt. Kimberly Molitas, tagapagsalita ng NCRPO, na wala pang ipinalalabas na alert status si NCRPO Director, Chief Supt. Joel Pagdilao ngunit inaasahan na itataas ito sa “heightened alert status”.

Dapat rin umanong palagiang nakahanda ang mga tauhan ng pulisya sa lahat ng panig sa Kamaynilaan para sa agarang pagresponde.

Hahayaan umano nila ang mga station comman­ders na magdetermina sa estado ng seguridad sa kanilang nasasakupan at sila na rin ang magdedesisyon kung saan maglalatag ng mga “checkpoints” na palagian naman umanong ginagawa.

Ang mga police station din umano ang nakakaalam kung saan mataas ang antas ng kriminalidad sa kanilang nasasakupan kaya inaasahan ang kanilang karampatang aksyon kaugnay ng pagdagsa ng mga kandidato sa mga tanggapan ng Commission on Elections (Comelec).

Sa kabila nito, inaasahan naman na magdaragdag ng tauhan sa mga tanggapan ng Comelec para sa nakagawiang pagbibigay ng seguridad hindi lamang sa mga kandidato ngunit maging sa mga posibleng kasamang mga tagasuporta na maaaring magkabanggaan kung magkakasabay-sabay sa pagsusu­mite ng COCs sa loob ng isang linggo o mula Oktubre 12 hanggang 16.

ACIRC

ANG

CHIEF SUPT

COMELEC

DAPAT

JOEL PAGDILAO

KAMAYNILAAN

KIMBERLY MOLITAS

MGA

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

POLICE SUPT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with