Brgy. officials ang dapat mamahala sa peace and order, trapik sa kanilang nasasakupan
MANILA, Philippines - Ang barangay ang siyang dapat na namamahala sa peace and order at sa daloy ng trapiko sa kanilang mga nasasakupan.
Ito ang paniniwala ni Manila 5th District congressman Amado Bagatsing na sasabak sa mayoralty race sa lungsod sa 2016 election.
Ayon kay Bagatsing, mas magiging epektibo ang pagpapatupad ng peace and order kung mismong ang mga barangay executive ang siyang nakatutok dito habang katuwang lamang ang mga pulis.
Maging sa pagsasaayos sa daloy ng trapiko kung saan kadalasang nagagamit ngayon ang mga maliliit na kalsada na ginagawa ng alternate route.
Bagama’t pabor siya sa overnight parking, kailangan tiyakin na walang sasakyan na magpapark kung araw.
Kaugnay nito, kinuwestiyon din ni Bagatsing ang kawalan ng magnetic resonance imaging (MRI) ng lungsod sa kabila ng pagmamalaki ni Manila Mayor Joseph Estrada na may mga medical equipment partikular sa dialysis patients.
Kasama ni Bagatsing na tatakbo sa ilalim ng Kabaka sina Rep. Carlos Lopez ng District 2 (Tondo) at Rep. Sandy Ocampo ng District 6 (Sta. Mesa), Manny Lopez, 1st District, DJ Bagatsing 4th District, at Kristal Bagatsing, 5th District. Wala namang kandidato ang Kabaka sa pagka-kongresista sa 3rd District.
Magiging ka-tandem naman ni Bagatsing bilang kanyang bise alkalde si councilor Ali Atienza.
- Latest