Dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo
MANILA, Philippines - Epektibo ngayong araw na ito (Oct. 6) ay nagpatupad ng dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo ang ilang oil company. Ito ay pinangunahan ng Eastern Petroleum, na tumaas ng P0.15 kada litro ang kanilang gasolina, habang bumaba naman ng P0.15 kada litro sa diesel at wala naman paggalaw sa presyo ng kerosene na epektibo kaninang alas-12:01 ng hatinggabi. Ayon sa Eastern Petroleum, ang ipinatupad na dagdag-bawas ay bunsod ng paggalaw ng halaga ng langis sa pandaigdigang pamilihan. Inaasahan naman na susunod na ring mag-anunsyo sa pagbaba sa presyo ng langis ang ilang pang kompanya kabilang ang tinaguriang ‘Big 3’. Huling nagpatupad ng pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo ay noong Setyembre 29 ng taong kasalukuyan.
- Latest