^

Metro

2 bangkay lumutang sa ilog sa Maynila

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dalawa katao ang natagpuang palutang-lutang sa ilog na pinaniniwalaang  inanod sa magkahiwalay  na lugar sa Maynila.

Unang natagpuan ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG)  ang bangkay ng  isang nangangalakal ng basura na pinaniniwalaang nalunod, sa Manila Bay, Roxas Boulevard, sa Ermita, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni PO3 Noel Santiago  ng Manila Police District-Homicide Section, kilala lamang sa alyas na  “Lais” ang biktimang nasa 35-40 anyos, payat, may taas na  5’1-5’3, maitim at naka t-shirt na itim at gray ang shortpants.

Bandang alas 7:00 ng gabi nang mamataan ito na naka­lutang sa dagat ni PO3 Arasad Omar, ng PCG kaya ito hinatak patungo ng tabing-dagat at ipinabatid sa MPD.

Posible umanong nalunod lamang ito dahil huling nakita ito alas 10:00 ng umaga kamakalawa, na nangunguha ng mga lumulutang na basurang plastik sa Manila Bay.

Samantala, isa pang hindi  kilalang lalaki ang natagpuang lumulutang sa ilog sa ilalim ng Reina Regente bridge, sa Binondo, Maynila, kahapon ng umaga. Inilarawan ni PO3 Marlon San Pedro ng MPD-Homicide Section ang biktima sa edad na 30-40, may taas 5’4, doble umano ang suot na pang-itaas na stripes t-shirt na sa ibabaw ang long sleeve.

Nakita ang bakas ng du­gong umagos mula sa ilong bagamat wala namang nakitang ibang sugat o pa­latandaan na pinahirapan.

ACIRC

ANG

ARASAD OMAR

HOMICIDE SECTION

MANILA BAY

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MARLON SAN PEDRO

MAYNILA

NBSP

NOEL SANTIAGO

PHILIPPINE COAST GUARD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with