Sa Maynila at Southern Metro Manila 244 katao, timbog sa ‘One Time Bigtime Operation’
MANILA, Philippines – Nasa 244 katao ang inaresto na pawang may kinasasangkutang ibat-ibang kaso sa magkakahiwalay na “One Time Bigtime Operation” na isinagawa ng Southern Police District Office (SPDO) at ng Manila Police District.
Alas-9:00 kahapon ng umaga nang iprisinta sa mga mamamahayag ni Police Chief Supt. Henry Ra-nola Jr., ang mga nadakip.
Sa 131 mga nadakip, nabatid na 64 dito ay pawang sangkot sa illegal na droga; 28 ang mga wanted person dahil sa mga kasong murder, robbery at theft at ang 39 ay nadakip sa magkakahalong mga kaso.
Nakakumpiska pa ang mga pulis ng may 69 pirasong plastic sachet ng shabu, 88 na mga motorsiklo, 9 na pirasong mga baril at 5 patalim.
Sinabi ni Ranola na ang kanilang “One Time Big Time Operation” ay bahagi ng kanilang pagtugon sa mahigpit na direktiba ni Philippine National Police (PNP) Chief Director Gene- ral Ricardo Marquez, na pababain ang antas ng krimina-lidad sa bansa partikular sa Metro Manila at masolus-yunan ang mga krimen dito.
Sa Maynila, nasa 113 indibidwal ang kabuuang naaresto sa isinagawang magkakahiwalay na operasyon ng Manila Police District laban sa iligal na droga at iba pang krimen.
Sa ulat kahapon, nasa 11 katao ang dinampot ng MPD-Station 1; 12 naman sa station 2; 36 sa nasasakupan ng station 3; tatlo lamang sa station 5; 17 sa station 6, isang babae sa station 7; 7 ang station 8; 2 sa station 9 at 8 sa station 10.
Sa MPD-District Anti-Illegal Drugs (DAID) sa headquarters ay nasa 16.
Kabilang sa sinalakay ng MPD-DAID ang isang lodging inn sa Ermita, Maynila na ginagamit na drug den ang ilang nirerentahang unit.
Ang lahat ng mga dinakip ay pawang may kaugnayan sa pagbebenta at paggamit ng iligal na droga particular ang metamphetamine hydrochloride o shabu.
Ayon kay Manila Police District Director Chief Supt. Rolando Nana, puspusan ang mga pagkilos sa bawat grupo ng mga operatiba para sa nasabing operasyon na tagumpay namang naisagawa simula alas-3:00 ng madaling araw hanggang alas-10:00 ng gabi, kamakalawa.
Kabilang sa nakumpiska ang hindi pa madetermina dami ng shabu sa magkakahiwalay na operasyon, drug paraphernalias, isang .45 caliber pistol may magazine at bala, isang .38 caliber revolver, isang .45 replica at dalawang motorsiklo.
- Latest