Carnapping sa Metro, bumaba ng 70 porsiyento
MANILA, Philippines - Bumaba ng 70 porsiyento ang mga insidente ng carnapping sa Metro Manila habang nasa 86% naman ng mga kinarnap na behikulo ay mga taxi.
Ito ang inihayag kahapon ng Philippine National Police (PNP) base sa kanilang rekord na naitala mula Agosto 24 hanggang Setyembre 27, 2015 ng taong ito.
Sinabi ni PNP Spokesman Chief Supt. Wilben Mayor, base sa datus ng PNP Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM), dahilan sa epektibong pagpapatupad ng ‘Oplan Lambat Sibat’ ang Quezon City na datirating tinaguriang ‘carnapping capital’ ang nakapagtala ng pinakamababang insidente ng carnapping na isang kaso lamang mula Setyembre 21-27, 2015.
Ayon kay Mayor sa nairekord na 39 insidente ng carnapping sa Metro Manila noong Hunyo 2014, 15 dito ay naganap sa Quezon City. Samantalang mula naman Setyembre 21-27, 2015, nakapagtala ang Southern Police District (SPD) ng isang kaso ng carnapping habang ang Manila Police District (MPD), Eastern Police District (EPD) ay nakapagrekord naman ng tig-2 kaso at ang Northern Police District ay may tatlo namang insidente ng carnapping.
Nasa 86 naman ng insidente ng carnapping ay ang mga Public Utility Vehicles (PUVs) mula Enero 5 sa Setyembre 27, 2015 ay mga taxicabs at 12% naman ang mga jeepneys; 27% ay mga nakaparadang Private Vehicles na kinabibilangan ng mga Sedan na nasa 19%, Sports Utility Vehicles (SUVs) 18% at cargo trucks na naitala naman sa 17%.
Base pa sa report, 54% naman sa mga kinarnap na behikulo ay ninakaw habang nakaparada at 29% naman dito ay puwersahang ninakaw sa pamamagitan ng panunutok ng baril ng mga karnapper.
Nasa 63% naman ng insidente ng mga carnapping ay nagaganap sa pagitan ng alas-12:01 ng madaling araw hanggang alas-8 ng umaga.
Kaugnay nito, pinaalalahanan naman ni PNP Chief P/Director General Ricardo Marquez ang publiko na maging alerto laban sa nakawan ng mga sasakyan partikular na kung gabi.
- Latest