^

Metro

Hinatulan ng 40-taon pagkakulong ex-Abra Governor Valera guilty sa pagpaslang kay Congressman Bersamin

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hinatulan kahapon ng Quezon City-Regio-nal Trial Court (QC-RTC) ng reclusion perpetua o 40-taon pagkabilanggo si dating Abra Governor Vicente Valera matapos mapatunayang guilty sa  kasong 2 counts ng murder kaugnay sa pagpatay kay ex-Abra Congressman Luis Bersamin at police escort nito noong December 2006.

Kaugnay nito, 12 ta­ong kulong naman ang hatol ni Quezon City  RTC  branch 94 Judge Roslyn Rabara-Tria sa  kapwa akusado ni Valera na sina Rufino Panday at Leo Bello dahil sa kasong frustrated murder.

Sa rekord, si Bersa­min at bodyguard na si SPO1 Adolfo Ortega ay nabaril at napatay sa harap ng maraming tao nang  dumalo sa kasal ng anak ng una noong December 16, 2006 sa Mount Carmel Church sa lungsod Quezon.

Sa insidenteng ito, na­su­gatan at naisalba ang buhay ng driver ni Ber­samin na si Allan Sawadan. Si Rep. Bersa­min ay kapa­tid ni Justice Lucas Bersa­min.

Sina Valera at mga ka­sama nitong suspek ay kinasuhan nang isang Freddie Dupo na nagsumite  ng affidavit noong October 20, 2007 na nagtuturo na si Valera ang utak umano ng na­turang pamamas­lang.

Nakakita ang korte ng matibay na ebidensi­ya laban sa mga akusado dahil sa testimon­ya ni Dupo hinggil sa umano’y pagsasabwa­tan ng mga akusado para planuhin na pas­langin si Bersa­min.

Sa kanyang testi-mon­­ya, sinabi ni Dupo na ang pagpatay kay Bersamin ay plinano noong 2005 sa isang beach house sa  La Union habang nandoon si  Valera .

ABRA CONGRESSMAN LUIS BERSAMIN

ABRA GOVERNOR VICENTE VALERA

ACIRC

ADOLFO ORTEGA

ALLAN SAWADAN

BERSA

DUPO

FREDDIE DUPO

NBSP

SHY

VALERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with