Bangkay ng sanggol iniwan sa bangketa
MANILA, Philippines – Isang hinihinalang kasisilang lang na sanggol na nakasilid sa isang kahon ng sapatos ang natagpuan sa isang bangketa ng walang puso nitong magulang sa lungsod Quezon, kahapon ng madaling-araw.
Ayon sa ulat, natagpuan ang sanggol ng dalawang batang nangangalakal ng basura sa may kanto ng North Avenue at Elliptical Road, sa lungsod, alas 12:30 ng madaling araw.
Ang sanggol ay tinatayang nasa pitong buwan pa lamang at maaring kasisilang lamang nang makita ng mga mangangalakal sa nasabing lugar.
Kuwento ng mga rumespondeng tropa ng MMDA enforcer, inakala raw ng mga bata na kalakal na maaring pakinabangan ang nakitang kahon na nakasilid pa sa isang kulay green na plastic, pero nang kanilang buksan ay bumulaga sa kanila ang nasabing sanggol.
Ipinadala na sa otoridad ang nasabing sanggol para sa kaukulang disposisyon.
- Latest