^

Metro

Erap, pabor sa pagpapa-DNA test ni Poe

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pabor si Manila Mayor Jo­seph Estrada sa pagpapa DNA test ni Senator Grace Poe kaugnay ng kinukuwestiyong citizenship nito.

Ayon kay Estrada, tama lamang ang  ginawang hakbang ng  kampo ni  Poe dahil ito ang magbibigay tuldok sa lahat ng agam-agam sa pagkatao ng  anak ng kanyang matalik na kaibigang si Fernando Poe, Jr.

Aniya, ang resulta lamang din ng DNA ang siyang  magi-ging basehan niya (Erap) kung dapat pa siyang  tumakbo sa pagkapangulo bagama’t sinabi na niyang  hindi siya tatakbo.

Una nang sinabi ni Estrada na mapipilitan siyang tumakbong muli sa pagkapangulo sakaling  iisa na lamang ang kandidato.

Kailangan aniyang panatilihin ang demokrasya kung saan makapipili  ng tamang kandidato ang mga botante.

Kinukuwestiyon ang  citizenship ni  Poe habang napipinto namang sampahan  ng kasong plunder si Vice Presidente Jejomar Binay.

Aminado si Estrada na pawang malalapit sa kanya  ang tatlong presidentiable subalit nananatiling  tikom ang bibig nito kung sino  ang  susuportahan.

Maaari pa  umanong mag­bago ang survey  kung saan isa din sa mga pinagbabatayan ng publiko.

vuukle comment

ACIRC

AMINADO

ANG

ANIYA

AYON

ERAP

FERNANDO POE

MANILA MAYOR JO

NBSP

SENATOR GRACE POE

VICE PRESIDENTE JEJOMAR BINAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with