Tow dolly bumangga sa may makina ng eroplano
MANILA, Philippines - Isang tow dolly (panghila) ang bumangga sa makina ng isang domestic flight na eroplano ng Philippine Airlines (PAL) habang nakaparada ito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2, kahapon ng umaga.
Ayon sa ulat, ang PAL aircraft (flight PR 453) ay nakaparada sa rampa ng Bay 19 ng bumangga ang binabatak na lalagyan ng mga kargamento matapos itong kumalas sa tow dolly at bumangga sa kanan bahagi ng makina ng eroplano dakong alas-4 ng umaga.Sa text message ng MIAA media affairs division (MAD), isang Mark Clifford Toledo, tug driver, ang iniimbestigahan ngayon kung bakit bumangga ang binabatak niyang ‘dolly’.
Ayon sa ulat, kumalas daw ang dolly sa tow tug habang patungo si Toledo sa International Cargo Terminal (ICT).
Wala naman iniulat na nasaktan sa magkabilang panig matapos ang insidente.
Ang eroplanong nabangga ay papunta sana ng General Santos City dakong alas- 6:50 ng umaga pero nagdesisyon ang management ng PAL na palitan na lamang ito ng ibang aircraft para walang problema.
- Latest