Drug courier, timbog sa P5-M shabu
MANILA, Philippines - Isang pinaghihinalaang drug courier ang bumagsak sa kamay ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ng Philippine National Police (PNP) kung saan nasamsam dito ang may limang milyong pisong halaga ng shabu.
Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang suspek na si Warren Obenieta Caballero, alias Erwin, 23, ng Sitio Lawang Bato, Cacarong Matanda, Pandi, Bulacan.
Bago ito, nagsasagawa ng routinary patrol ang mga miyembro ng Brgy. Karuhatan Security Force sa lugar nang makita si Caballero na mistulang may senyales ng pagka sinto-sinto at pinaliligiran ng mga bystanders doon. Inimbitahan ng barangay security force si Caballero sa barangay hall. Nang tanungin ay pautal utal itong sumagot at nang hingin na makita ang laman ng dala nitong bag ay tumanggi si Caballero pero kalaunan ay napilit din.
Dito na nakita ang isang pink plastic bag at isang maliit na plastic sachet na may shabu na tumitimbang ng halos isang kilo.
Si Caballero ay nai-turn over agad ng barangay officials sa PDEA at pulisya.
Sinasabing si Caballero ay lango sa droga nang mahuli na ngayon ay nakapiit na sa PDEA detention cell at takdang sampahan ng kaukulang kaso.
- Latest