^

Metro

Martilyo bawal sa mall

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ipinagbabawal na ng mga awtoridad ang  pagpasok ng martil­yo  sa loob ng mall at iba pang establisimyento na nasasakupan ng Estern Police District. (EPD).

Napagkasunduan ng EPD at Metro East Coordinating Council ang pagbabawal na pagpasok ng martilyo ay  dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga mamimili sa mga mall ngayong papalapit na ang kapaskuhan.

Sinabi ni EPD-director Sr. Supt. Elmer Jamias, nagkaroon na sila ng kasuduan sa mga security manager ng malls, hotels, at restaurants na sakop ng Metro Manila East para sa seguridad nang mga parukyano.

Sa nabanggit na pulong ay nagpalitan din ng security protocol ang pulis at mga may-ari ng mall. Nakabantay sa loob ng mall ang security guards habang sa labas naman nakaposte ang police assistance desk at iba pang patrol personnel.

Nasa direktiba rin ng pamunuan ng mga mall ang pagbabawal na magsuot ng sumbrero at shades  upang makita ang mukha ng lahat ng pumapasok sa loob.

Ayon kay Jamias, sa tuwing sumasapit ang Ber months ay lumalaki ang bilang ng mga nagaganap na insidente ng pagna­nakaw kaya naka-alerto ang kanyang nga tauahan.

ACIRC

ANG

AYON

EAST COORDINATING COUNCIL

ELMER JAMIAS

ESTERN POLICE DISTRICT

IPINAGBABAWAL

METRO MANILA EAST

MGA

NBSP

SR. SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with