DILG pasok na rin sa problema sa trapik
MANILA, Philippines - Upang maibsan ang malalang problema sa trapik sa Metro Manila, tutulong ang kagawaran ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa paghanap ng solusyon sa naturang problema.
Ito ang sinabi ng bagong upong DILG secretary na si Mel Senen Sarmiento, kung saan inatasan na anya niya ang city planning officers ng mga local government units (LGUs) na makiisa sa pagresolba sa malalang trapik na nararanasan ng daang motorista sa Metropolis.
Ayon kay Sarmiento, mas maganda na nag-uusap-usap ang Metro Manila council sa MMDA kung saan ang problema at kung ano ang gagawin. Pero I think dapat ay long term (solutions).”
Kailangan din anyang makiisa ang mga LGUs hingil sa problema sa mga sasakyang nakaparada sa kalye upang mabura ang trapik sa kanilang mga lugar.
- Latest