^

Metro

2 ‘tulak’, patay sa engkuwentro

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang dalawang hinihinalang ‘tulak’ ng droga  makaraang umanong manlaban sa mga tropa ng District Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Group (DAIDSOTG) habang isinasa­gawa ang isang buy-bust operation sa lungsod, kahapon ng mada­ling araw.

Sa ulat ni DAIDSOTG Chief, P/Chief Insp. Enrico Figueroa, kinilala lamang ang mga nasawi sa mga alyases na Alvin at Mar.

Ayon kay Figueroa, nangyari ang insidente sa may kahabaan ng Mindanao Avenue, pagitan ng Belfast St., Regalado kanto ng Brgy. Greater Fairview, ganap na alas-4 ng madaling araw.

Bago ito, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa  pagbebenta ng shabu ng mga suspect na miyembro ng “Samuel Drugs Group” sa lungsod sanhi upang makipagtransaksyon sila sa mga ito.

Gayunman, habang isinasagawa ang drug transaction, nakatunog ang mga suspect na pulis ang kanilang ka-deal lalo na nang mapuna ng mga ito ang presensya ng mga pulis na sibilyan.

Sa puntong ito, agad na naglabas umano ng baril ang mga suspect at pinaputukan ang mga awtoridad, dahilan para gumanti ng putok ang mga huli.

Tumagal ng ilang minuto ang palitan ng putok, na nagresulta sa pagbulagta ng dalawang suspect sa lugar.

Narekober sa tabi ng mga suspect ang apat na piraso ng plastic sachets ng shabu na nagkakahalaga ng P10,000; isang kalibre 45 pistola na may dalawang bala; isang kalibre 38 baril na may tatlong bala; isang digital weighing scale; isang kulay itim na sling bag; at isang motorsiklo. Ayon pa sa pulisya, ang mga suspect ay sangkot din umano sa pagtangay ng mga motorsiklo sa Quezon City, Bulacan at Cavite.

Patuloy ang imbestigasyon ng DAIDSOTG sa nasabing insidente upang mabatid ang tunay na pagkatao ng mga nasawing suspect.

ACIRC

ANG

AYON

BELFAST ST.

CHIEF INSP

DRUGS GROUP

DRUGS SPECIAL OPERATIONS TASK GROUP

ENRICO FIGUEROA

GREATER FAIRVIEW

MGA

MINDANAO AVENUE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with