^

Metro

Bus shootout: 2 holdaper utas

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

Pasaherong parak, kumasa 

MANILA, Philippines – Bulagta sa loob mismo ng pampasaherong bus ang dalawang holdaper makaraang ma­kipagbarilan sa nag-iisang pulis na pasahero rin sa natu­rang bus na kanilang hinoldap sa bahagi ng North Luzon Expressway (NLEX) sa Caloocan City.

Patuloy na kinikilala ng pulisya ang dalawang nasawing holdaper habang nakatakas ang ikatlo nilang kasamahan. Inilarawan ang isa sa nasawi na nasa edad 32, may taas na 5’2”, katamtaman ang katawan, nakasuot ng sweatshirt na may tatak na “Biology” at pulang short pants habang ang isa ay may taas ring 5’2”, nasa 25-anyos, may suot na puting t-shirt at maong na pantalon.

Nakilala ang pulis na na­kabaril sa dalawa na si PO2 Ryan Cabansag, 31, nakatalaga sa Headquarters Support Service (HSS) sa Camp Crame­, Quezon City.

Sa ulat ng Caloocan City Police, binabagtas ng Del Carmen bus (AIA 9766) na biyaheng Bocaue, Bulacan ang northbound lane ng NLEX sa bahagi ng Brgy. 160, Caloocan dakong alas-10:25 ng gabi nang magdeklara ng holdap ang tatlong suspect na armado ng mga baril.

Dahil umano sa nasa panganib ang 37 pang pa­sahero, nagpakilala si Cabansag na pulis ngunit agad umano siyang binaril ng mga holdaper. Dito na gumanti ng putok ang pulis at napuruhan ang dalawang suspect habang ipinasya ng ikatlong salarin na tumakas.

Rumesponde naman ang mga tauhan ng Valenzuela City Police nang huminto ang bus sa may bahagi ng Malinta Exit ng NLEX na sakop na ng Valenzuela City. Narekober ng pulisya ang tatlong cartridge, isang slug ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril at isang rebolber na baril.

ACIRC

ANG

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

CAMP CRAME

DEL CARMEN

HEADQUARTERS SUPPORT SERVICE

MALINTA EXIT

NORTH LUZON EXPRESSWAY

QUEZON CITY

RYAN CABANSAG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with