^

Metro

Bangkay lumutang sa dam

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bangkay na nang ma­tagpuang lumulutang sa La Mesa Dam  ang isang 8-anyos na batang lalaki sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Ayon kay PO2 Julius Balbuena, may-hawak ng kaso, kinilala ito ng kanyang mga kaanak na si Jun Emmanuel Chan, Grade III, at residente ng West Fairview sa lungsod.

Sa imbestigasyon ni Balbuena, ang biktima ay nadiskubre malapit sa spill way ng Pechayan na mata­tagpuan sa La Mesa Dam compound, Brgy. Greater Lagro, ganap na alas-10 Sabado ng umaga.

Nakita ang biktima na pa­lutang-lutang sa tubig ng security guard na si Jumar Bustillo.

Sa tulong ng mga istambay sa lugar ay iniahon nila Bustillo ang bangkay saka tumawag ng otoridad para sa imbestigasyon.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) lumabas na ang biktima ay nagtamo ng sugat sa ulo na maaaring dulot ng pagkakabagok at malunod, bagay na iniimbestigahan ng otoridad.

Hindi naman nagbigay ng anumang pahayag ang pamilya ng biktima ukol sa pangyayari.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

BALBUENA

GREATER LAGRO

JULIUS BALBUENA

JUMAR BUSTILLO

JUN EMMANUEL CHAN

LA MESA DAM

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

WEST FAIRVIEW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with