MRT, 2 ulit nasira sa rush hour
MANILA, Philippines – Dalawang ulit na naantala ang operasyon ng Metro Rail Transit (MRT-3) sa kasagsagan pa naman ng rush hour Biyernes ng gabi.
Nabatid na unang natigil ang operasyon ng tren dakong alas-7:00 ng gabi na nasundan pa dakong alas-8:30.
Ayon sa mga personnel ng MRT-3, ang interruption ng serbisyo ng tren ay nag-ugat sa pagkakaroon ng problema ng signaling system nito sa pagitan ng Ortigas at Guadalupe MRT stations.
Pasado alas-10:00 na ng gabi nang tuluyang maresolba ang problema at magbalik sa normal ang operasyon ng MRT-3.
Dahil sa aberya ay napilitan na lamang maghanap ng alternatibong masasakyan ang libu-libong regular na pasahero ng MRT-3.
Ang MRT-3 ay nag-uugnay sa Nort Avenue station Edsa, Quezon City patungo ng Taft Avenue, Edsa, Pasay City at vice versa.
- Latest