^

Metro

Ayon sa dating director ng TOC: Mahinang sistema ng MMDA, nagpalala sa trapik sa EDSA

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mariing pinabulaanan ng isang dating opisyal ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na walang katotohanan ang naging pahayag ni Chairman Tolentino na ang  mataas na volume ng behikulong dumadaan sa kahabaan ang EDSA ang isa sa pangunahing sanhi ng pagsisikip ng trapiko dito.

Sa panayam kay Lito Vergel De Dios, dating director ng Traffic Operation Center (TOC) ng MMDA, sinabi nito na kalokohan aniya ang na-ging pahayag ni Tolentino.

Ang pangunahing proble­ma aniya ng trapik ay yung bulok na sistemang pinatutupad sa ngayon ng kasalukuyang administrasyon ng  MMDA at ayon pa dito, simula nang maupo si Tolentino sa MMDA ay wala naman itong naging programa, kung saan itinuloy lamang nito ang mga dating programa ng MMDA ng panahon ni dating MMDA Chairman Bayani Fernando, na hindi naman aniya naipatupad ng maayos ni Tolentino.

Ang  dapat aniyang  tanggalin sa EDSA ay yung mga traffic obstruction, dahil nung panahon aniya nila ay hindi nila pinahihintulutan ang traffic obstruction sa EDSA, kung saan hindi lamang mga driver ang dinidisiplina nila, maging ang mga pedestrian at mana­nakay ay dinidisiplina rin nila.

Kamakailan ay ipinaha­yag ni Tolentino, na ang ma­taas aniyang volume ng mga sasakyan ang dahilan ng trapik lalu na sa EDSA. Nakakalungkot aniya, na isang institusyon ang MMDA, suba­lit ang mga nagpapalakad ang hindi maayos.

Sinabi pa ni Vergel De Dios, pinaigting nila ang flood control para kung tag-ulan at bumaha ay kaagad itong nareresolbahan ng MMDA, subalit ngayon aniya ay kulang na sa mga equipment ang ahensiya para sa flood control kung kaya’t hirap sa pagresolba ng baha.

Ayon naman sa mga motorista, kung wala naman aniyang inilalatag na solution ang MMDA hinggil sa pag­resolba ng matinding  trapik sa Kalakhang Maynila, lalu na kung bumubuhos ang ma­­lakas ng ulan, na tulad aniya ngayon ay wala ng silbi ang MMDA dahil ibinigay na sa HPG ang pagmamando ng trapik, bilang delikadesa ay magbitiw na si Tolentino bilang chairman ng MMDA.

ACIRC

ANG

ANIYA

CHAIRMAN BAYANI FERNANDO

CHAIRMAN TOLENTINO

KALAKHANG MAYNILA

LITO VERGEL DE DIOS

MGA

MMDA

SHY

TOLENTINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with