^

Metro

Prangkisa ng Valisno, tuluyan nang kinansela

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tuluyan nang kinansela ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang franchise ng Valisno bus  epektibo kahapon na ibig sabihin ay hindi na makakapasada ang lahat ng bus unit nito kahit kailan.

Ito ay nakasaad sa ipina­labas na desisyon ng LTFRB board laban sa may -ari ng bus company na si Rosalinda-Cando Valisno bunga ng mga paglabag nito sa mga batas at patakaran ng ahensiya hinggil sa pag -ooperate ng public utility buses.

Ilan lamang sa paglabag ni Valisno ang hindi pag­rerehistro sa naaksidenteng sasakyan (TXV-715) ngayong taong 2015. Nadiskubreng 2014 ang last registration ng naturang bus unit gayundin ang ilang bus unit nito ay nakaalarma dahil sa ibat-ibang paglabag  sa batas at  gumamit din ito ng pangalang Gase­co para hindi matumbok si Valisno kung mayroon itong mga paglabag sa patakaran ng LTFRB.

Bukod sa pagkansela sa franchise ng Valisno bus, inutos din ng LTFRB board na sirain at wasakin ang lahat ng yellow plates ng mga bus unit ng Valisno na naka-surender sa LTO.

Dahil hindi pa rin nagagawa ni Valisno ang utos ng LTFRB upang mag- comply sa mga requirements na maisaayos ang operas-yon nito, tinanggihan na ng ahensiya na aksiyonan   ang mga pleadings nito.

Ayon sa LTFRB, bukod sa hindi na makakabiyahe pa ang lahat ng bus ng Valisno ay hindi na rin mapapakinabangan ang mga units nito dahil hindi ito  maibebenta ng Valisno dahil wala na itong pag- asang mairehistro pa sa LTO.

Matatandaang sinuspinde ng LTFRB ang ope­rasyon ng Valisno noong August 12,2015 makaraang mamatay ang 2 nitong pasahero habang marami pa ang nasugatan nang maaksidente ang isa nitong bus unit sa may Quezon City kamakailan.

ACIRC

ANG

AYON

BUS

HINDI

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

LTFRB

MGA

QUEZON CITY

ROSALINDA-CANDO VALISNO

VALISNO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with