^

Metro

KABAKA Clinic, binuksan sa Tondo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Upang higit na mapalawig ang kampanya ng Kabalikat ng Bayan sa Kaunlaran (KABAKA) Foundation, Inc., para sa maayos na kalusugan ng bawat miyembro ng pamilya sa Maynila, muling nagbukas ng panibagong KABAKA Clinic ang nasabing grupo para naman sa mga residente ng Tondo at kalapit na lugar nito. Ayon kay KABAKA President, Atty. Ed Francisco, ang nasabing hakbang ng kanilang grupo ay bunsod na rin ng kahilingan ng mga residenteng nasa ika-una at ikalawang distrito ng lungsod na magkaroon ng extension ang KABAKA clinic sa kanilang lugar upang mabilis na makakuha ng libreng serbisyong medikal gaya ng libreng konsultasyon, gamot, laboratory at diagnostic ser­vi­ces. Naobserbahan umano­ nila ang pangangailangan ng basic health services ng mga taga-Tondo at iba pang kalapit na lugar nito sa kanilang unang­ gusali ng KABAKA Clinic, Phar­macy, Laboratory and Diagnostic Center na nasa Pandacan, Maynila, na ngayon ay may halos 20,000 pasyente nang naseserbisyuhan sa loob lamang ng pitong buwan. Aniya, ayon sa kanilang record, malaki umano ang porsyento ng mga residente ng dalawang nabanggit na distrito ang pumupunta sa KABAKA clinic upang maka-avail ng mga libreng me­­dical services. Dahil dito, agad umanong ipinag-utos ni KABAKA Founder at 5th District Congressman Amado S. Bagatsing ang agarang pagtatayo at pagbubukas ng kli­nika sa Tondo upang maabot ng mga nabanggit na serbisyong medikal ang mga residenteng nasa first at second district.

Ang bagong bukas na KABAKA Clinic sa Tondo ay matatagpuan sa 612 Morga Street, Tondo, Manila, harap ng Isabelo Delos Reyes Elementary School at bukas sa mga araw ng Martes, Huwebes, at Sabado mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

ACIRC

ANG

DISTRICT CONGRESSMAN AMADO S

ED FRANCISCO

ISABELO DELOS REYES ELEMENTARY SCHOOL

KABAKA

LABORATORY AND DIAGNOSTIC CENTER

MAYNILA

MGA

MORGA STREET

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with