^

Metro

2 tiklo sa P2.4-M shabu

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dalawang Chinese nationals ang nadakip ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos makuhanan ng shabu na nagkakahalaga ng P2.4 milyon sa isinagawang isang buy-bust operation sa loob ng isang shopping mall sa  Malate, Manila, kamakalawa. Kinilala ni PDEA Director­ General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang mga suspect na sina Sun Wei Liang, 36, residente ng Lapu-lapu St., Magallanes Village, Makati City; at Mao Yong Liang, 27, ng Pan Pacific Tower, Malate, Manila.

Ayon kay Cacdac, ang mga suspect ay naaresto ng mga tropa ng PDEA Regional Office-National Capital Region (PDEA RO-NCR) sa pamumuno ni Director Erwin Ogario matapos ang ope­rasyon sa may basement parking ng isang mall sa Malate, Manila, ganap na alas-10 ng umaga. Sinasabing nagbenta ang mga suspect ng dalawang kilo ng shabu na nakasilid sa isang sel­yadong plastic bag sa isang undercover PDEA agent na nagkunwaring buyer dahilan para sila madakip. Tinatayang nagkakahalaga ang shabu ng P2.4 milyon. Bukod sa iligal na droga, narekober din ng awtoridad ang isang Honda CRV (ZRZ-177), isang Honda Civic at tatlong mobile phones.

ACIRC

ANG

CACDAC

DALAWANG CHINESE

DIRECTOR ERWIN OGARIO

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

GENERAL UNDERSECRETARY ARTURO G

HONDA CIVIC

ISANG

MAGALLANES VILLAGE

MAKATI CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with