^

Metro

Kapalaran ng Valisno bus, dedesisyunan na ng LTFRB

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Magpapalabas na ng desis­yon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) hinggil sa kapalaran ng Valisno Express bus na nasangkot sa aksidente na ikinasawi ng apat at pagkakasugat naman ng 16 pa.

Ayon kay Atty. Ariel Inton, board member ng LTFRB  mag­lalabas na ng desisyon ang board sa darating na Sabado  matapos ang ilang pagdinig na isinagawa ng ahensya para dito.

Ipinalalagay ng marami na tuluyan nang makakansela ang prangkisa ng Valisno dahil sa madugong aksidente na kinasangkutan ng isang unit nito sa lungsod Quezon, kamakailan.

Ipinagharap na ng kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide and multiple physical injuries and da­mage to property  at Violation of Article 275  Abandonment of Once Own Victim sa piskalya ang bus dri­ver na si George Pacis matapos madakip sa Bulacan.

Magugunitang apat ang nasawi, habang 16 ang nasu­gatan makaraang sumalpok ang minamanehong Valisno Express bus (TXV-715) ni Pacis sa arko sa kahabaan ng Quirino Hi-way Greater Lagro Novaliches boundary ng Novaliches at Caloocan dakong alas-7:20 ng umaga noong nakalipas na Agosto 12, 2015.

ABANDONMENT OF ONCE OWN VICTIM

ACIRC

AGOSTO

ANG

ARIEL INTON

GEORGE PACIS

GREATER LAGRO NOVALICHES

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

QUIRINO HI

VALISNO EXPRESS

VIOLATION OF ARTICLE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with