Aksidente sa EDSA nabawasan din -- MMDA
MANILA, Philippines – Inamin mismo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na bumaba ang bilang ng aksidente sa kahabaan ng EDSA matapos na mag-take over sa pangangasiwa dito ang PNP-Highway Patrol group (HPG).
Ayon kay MMDA Assistant General Manager for Operations Emerson Carlos, na mayroon lamang 23 aksidente na naitala buhat Sept. 7 hanggang kahapon Sept. 8 sa EDSA, kumpara sa 37 accidents na iniulat noong Sept. 6, (Linggo). Lunes nang magsimulang pangasiwaan ng HPG ang EDSA.
Karamihan umano sa mga sasakyan na sangkot sa traffic accidents ay mga pribado kasabay nang pagsasabing nasa 90 porsiyento ng behikulo na dumadaan sa EDSA ay mga pribado.
Ipinaliwanag pa nito na matapos mag-take over ang HPG sa pagsasaayos ng trapiko sa 23.8 kilometer ng EDSA, ang mga nadisplaced naman nilang traffic enforcers ay kanilang ikinalat sa ibang pangunahing lansangan katulad ng C-5 at Commonwealth Avenue.
Aminado din si Carlos na ang trapik sa EDSA ay patuloy na nagkakaroon ng pagbabago kasabay nang pagbaba ng bilang ng aksidente dito.
- Latest