^

Metro

Lider ng NPA, 1 pa timbog sa Marikina

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umiskor ang pinagsanib na elemento ng militar at pulisya kasunod ng pagkakaaresto ng isang mataas na lider ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) at isa pa nitong kasamahan sa operasyon sa Marikina City nitong Lunes ng madaling araw.

Kinilala ni Col. Noel Deto­yato, Chief ng AFP Public Affairs Office Chief ang nasakoteng suspect na si Rene Nuyda Jr., gumagamit ng mga  alyas John de la Cruz, Ka Red at Sung.

Sinabi ni Detoyato na si Nuyda ay tumatayong Regional Secretary ng Bicol Regional Party­ Committee (BRPC) ng NPA ay inaresto sa bisa ng warrant­ of arrest na inisyu ni Judge Ro­lando de Lemios Bobis ng Regional Trial Court (RTC) Branch 64 ng Labo, Camarines Norte.

Arestado rin sa operas­yon si Pedro Canaleta Jr. na kasama ni Nuyda kaugnay ng pagkakasangkot sa ambush ng Army unit noong Hulyo 14, 2008 sa Brgy. Dumagmang, Labo, Camarines Norte na ikinasugat nina Pfc Michael Luzon at Roel Barnigo.

Bandang alas-12:30 ng ma­daling araw ng mahuli ang naturang lider ng NPA rebels sa isinagawang law enforcement operation sa Paradise St., Brgy. Malanday sa lungsod ng Marikina.

Ang warrant of arrest ay  kaugnay ng kasong double­ frustrated murder at P200,000.00 na kinasangkutan ng suspect.

Nasamsam mula sa suspect ang isang cal. 45 pistol, isang magazine para sa cal. 45 pistol, pitong piraso ng bala ng cal. 45 pistol at dalawang fragmentation grenade.

Gayundin  ang 13 laptop computers, 21 cellular phones, limang USB Broadbands, anim na USB flash drive, 32 SIM cards, limang tablets, 16 Me­mory cards, dalawang PDAs at P79,000.00.

 

ACIRC

BICOL REGIONAL PARTY

BRGY

CAMARINES NORTE

JUDGE RO

KA RED

LABO

LEMIOS BOBIS

MARIKINA CITY

NEW PEOPLE

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with