^

Metro

Bus hinoldap, pera at gamit ng 10 pasahero limas

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa kabila ng babala ng  kapulisan sa publiko na mag-ingat sa mga street crimes, isang pampasaherong bus ang hinoldap ng apat na armadong lalaki at nilimas ang mga pera at gamit ng may 10 pasahero nito sa may Kamuning Flyover, sa lungsod Quezon, kahapon ng madaling araw.

Ayon sa  Quezon City Police District Station-10, hinoldap ang pampasaherong bus na Diamond Star bus (UYB-104) na pinapasada ng isang Noli Villa  sa may kahabaan ng northbound lane ng Edsa, Kamuning Flyover, sa lungsod, ganap na ala-1 ng madaling araw.

Bago ito, sabi ni Villa, alas 12:30 ng hatinggabi nang sumakay ang mga suspect sa bahagi ng Guadalupe, Makati City na pawang naka bullcap, t shirt at backpack ang mga suspek na  hiwa-hiwalay ng upuan.

Pagsapit ng bus sa Kamuning flyover, isa sa mga suspect ang bigla na lamang umanong tinutukan ng kalibre 38 baril si Villa, sabay deklara ng holdap.

Kasunod nito, ay isa-isa nang nilimas ng mga suspect ang gamit at pera ng mga pasahero, bago tuluyang tumakas pagsapit sa NIA Road.

Patuloy ang imbestigas­yon ng otoridad sa nasabing insidente.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

DIAMOND STAR

EDSA

GUADALUPE

KAMUNING FLYOVER

MAKATI CITY

MGA

NOLI VILLA

QUEZON CITY POLICE DISTRICT STATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with