^

Metro

Isko sa motorista, ‘Disiplina kailangan sa pag-unlad’

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa ikauunlad ng  bayan, disiplina ang kailangan.

Ito ang isa sa mga kasabihang pinagbabatayan ni Acting Manila Mayor Isko Moreno matapos na magsagawa ng operasyon laban sa mga pasaway na motorista sa iba’t ibang lugar sa Maynila.

Inamin ni Moreno na nakalulungkot na marami ang  naghahangad ng pagbabago at pag-unlad ng Maynila subalit wala namang displina  sa sarili.

Ayon kay Moreno, ang kanilang ginawang operas­yon laban sa mga sidecar at pri­badong sasakyan ay paulit-ulit na lamang  dahil alam ng mga sidecar at motorista na mahigpit na ipinagbabawal ang pagparada sa kahabaan ng United Nations Ave at Taft Avenue.

Umaabot sa 16 na sidecar at limang kotse nang   sabay-sabay na hinila at nilagyan ng clamp noong nakaraang  linggo  matapos na makitang nakakasagabal  sa trapiko.

Ayon kay Moreno, ang  pagparada ng sasakyan sa “No Parking” zone ay indikasyon ng kawalan ng tunay na disiplina   ng isang mamamayan.

Binigyan diin ni Moreno, may mga gusali at esta­blisimyento naman na nag­lalaanan ng  parking space kaya’t walang dahilan ang mga motorista na magpasikip ng daloy ng sasakyan.

Paliwanag ni Moreno, hindi naman sila titigil hangga’t hindi naisa­saayos ang mga pasaway bagamat umaasa din ito na makikipagtulungan  ang mga sidecar at maging ang traffic violator sa kanilang kampanya.

Umaasa si Moreno na  magiging aral na sa mga motorista ang nangyari.

Tiniyak pa  nito na  magsasagawa pa rin sila ng  surprise operation sa mga clamping zone na kinabibilangan ng Mendiola, Taft,  Lawton, Quiapo, San Miguel at Morayta.

Nasa P500 ang tubos sa mga mahuhuling sidecar habang P900 naman sa clamping.

ACIRC

ANG

AYON

MAYNILA

MGA

MORENO

NBSP

NO PARKING

SAN MIGUEL

TAFT AVENUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with