^

Metro

Census girl na nagbabahay- bahay, muntik nang mahalay

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kakaibang karanasan ang sinapit ng isang  19-anyos na survey girl ng Philip­pine Statistics Authority (PSA) nang pagkatok niya sa isang bahay para mag-census ay sinalubong siya ng residenteng Pakistani at kamuntk ng mahalay sa Sta. Ana, Maynila, kahapon ng umaga.

Dahil sa tulong umano ni Henry Bacay, barangay kagawad ng Brgy. 779,  Zone 85, naaresto ang suspek na si Muhammad Safix, may-asawang Filipina at nakatira sa Dagonoy St. Sta.Ana, Maynila.

Naiturn-over ang suspect sa MPD-Women and Children’s Protection Unit kung saan pormal na naghain ng reklamo ang biktimang si Jaymalin Jamolin, contractual employee ng PSA at residente ng   Punta Sta. Ana, Maynila.

“Kumatok po ako sa bahay nila para mag-census, tapos lumabas yung  foreig­ner pala, agad akong hinatak paloob,  tinanong niya ako si­nabi niya are you still a virgin?, do you experience sex, tapos hinatak at hinawakan niya yong mga kamay ko sa braso at hita pati ulo ko kaya pumalag ako at nagtatakbo ako,” ayon sa biktima.

Unang tumakbo sa mga kasamahan ang biktima at nagtungo sa barangay.

Nabatid na nang tungu­hin ng mga tauhan ng bara-ngay ang bahay ay doon nila natuklasana na lasing umano ang suspek at itinanggi niyang gagahasain ang biktima. Depensa pa nito, hinawakan niya ang ulo ng biktima upang i-bless.

vuukle comment

ACIRC

ANG

DAGONOY ST. STA

HENRY BACAY

JAYMALIN JAMOLIN

MAYNILA

MUHAMMAD SAFIX

PROTECTION UNIT

PUNTA STA

STATISTICS AUTHORITY

WOMEN AND CHILDREN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with