^

Metro

Paglalahad ng saloobin ng INC, pinuri ng konseho ng Maynila

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinapurihan ng Konseho ng Maynila ang  paglalahad ng  saloobin ng grupong Iglesia Ni Cristo (INC) kasabay ng pagsasagawa ng  mapayapang pagtitipon.

Sa resolution No. 325 na inihain ni  2nd District Councilor at Acting Presiding Officer Rolan Valeriano,  sinabi  nito na naipakita ng INC ang kanilang  katatagan at  pagkamahinahon sa kabila ng kontrobersiya  na kinasasangkutan ng  kanilang  miyembro.

Nakasaad sa resolusyon na  hindi  nagpaapekto ang mga miyembro ng INC sa kabila ng  umano’y ‘ special treatment’ ng  Department of Justice (DOJ) sa kaso ng  itiniwalag na INC minister.

Ayon kay Valeriano mas dapat na pinagtuunan ng pansin ng  DOJ ang mga kaso ng  Mamasapano at  PDAF.

Ipinakita rin ng INC ang kanilang Constitutional Rights nang  payapang isagawa ang  rally sa Padre Faura, Edsa Shrine at ilang  bahagi ng bansa.

Indikasyon lamang umano ito na maaaring ipahayag ang karaingan at pakikipaglaban sa mapayapang paraan tulad na rin ng  ginawa  ng  INC.

 

ACTING PRESIDING OFFICER ROLAN VALERIANO

ANG

AYON

CONSTITUTIONAL RIGHTS

DEPARTMENT OF JUSTICE

DISTRICT COUNCILOR

EDSA SHRINE

IGLESIA NI CRISTO

INC

NBSP

PADRE FAURA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with