^

Metro

Misis ng opisyal ng DepEd, maid dinos-por-dos, patay

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nadatnan na lamang na duguan at wala nang buhay ang misis ng isang mataas na opisyal ng Department of Education (DepEd) at ang kaniyang kasambahay sa loob ng bahay, sa Pasig Line, Sta. Ana, Maynila, kahapon ng hapon.

Kinilala ang nasawi na si Lucita Menguito, 53, negosyante at residente ng Pasig Line Sta. Ana, Maynila.  Siya ay misis ni Department of Education (DepEd) Assistant Regional Director (ARD)-National Capital Region (NCR) Dr. Ponciano Menguito, ang dating Division of City Schools, Manila Superintendent.

Patay din ang housemaid ng biktima na kinilalang si  Jennifer Magtulis. Matitinding palo sa ulo at katawan ang tinamo ng mga biktima.

Nadakip naman sa mabilis na follow-up operation ng  mga tauhan ni MPD-Homicide Section ang suspek na kinilalang si John Adrian Esquilang, 37, manugang ng biktima at residente ng Molave Park, Merville  Subdivision, Parañaque City.

 Sa inisyal na impormasyon na nakuha sa Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-12:00 ng tanghali kahapon nang madiskubre ang krimen mismo ni Dr. Menguito.

Batay sa imbestigasyon ni  PO3 Bernardo Cayabyab, dumating ang suspek sa bahay dakong alas-10:00 ng umaga at umalis na nagmamadali.

Nagawa pa umanong magtext ni Gng. Menguito kay Dr. Menguito na nasa opisina at pinauuwi dahil sa problema sa bahay.

Naging susi sa krimen ang isang  batang babaeng  kapitbahay, na tumestigo sa nakita sa krimen. Aniya, tagabantay siya ng mga aso ng biktima upang hindi nakawin.

 Sa isinagawang police line-up, positibong itinuro ang suspek ng batang testigo, maliban pa sa nakitang dugo sa damit ng suspek.

ANG

ASSISTANT REGIONAL DIRECTOR

BERNARDO CAYABYAB

DEPARTMENT OF EDUCATION

DIVISION OF CITY SCHOOLS

DR. MENGUITO

DR. PONCIANO MENGUITO

HOMICIDE SECTION

JENNIFER MAGTULIS

JOHN ADRIAN ESQUILANG

NBSP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with