^

Metro

Pamangking ng ex-AFP chief mahaharap sa kasong double murder

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinasuhan na ng murder ang anak ng dating Constabulary general at pamangkin ni dating Armed Forces chief Narciso Abaya matapos pagbabarilin ang isang UV Express na ikinasawi ng isang tao sa lungsod ng Quezon.

Nakilala ang suspek na si Jose Abaya na pinagbabaril ang van nitong Martes na ikinasawi ni Jocelyn Santos matapos tamaan ng bala sa ulo.

Samantala, sinabi ni Chief Inspector Rodelio Marcelo, pinuno ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District, na kakasuhan pa ang suspek matapos bawian na rin ng buhay ang driver na si Ronebert Ycot kaninang umaga.

Dagdag niya na ang murder ay magigng double murder at papatungan pa ng frustrated murder at two counts ng attempted murder at illegal gun rap.

Sugatan din sa insidente ang pasaherong si Duke Angelo David.

Balak ding imbitahan ng CIDU ang registered owner ng cal .22 na si Joseph See.

Ayon sa imbestigasyon, inakala ni Jose Abaya na ibabalik siya sa rehabilitation center ng mga sakay ng van.

Dati nang nakulong ang suspek dahil din sa pamamaril.

ANG

ARMED FORCES

CHIEF INSPECTOR RODELIO MARCELO

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

DUKE ANGELO DAVID

JOCELYN SANTOS

JOSE ABAYA

JOSEPH SEE

NARCISO ABAYA

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

RONEBERT YCOT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with