^

Metro

96 tauhan ng HPG, sasabak na sa EDSA

Joy Cantos, Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umpisa sa Lunes (Set­yembre 7) ikakalat na ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) sa anim na chokepoints sa kahabaan ng EDSA ang may 96 nilang tauhan na tututok at magsasaayos sa  malalang daloy ng trapiko at para na rin disiplinahin ang mga motorista.

Ayon kay PNP –HPG Director P/Chief Supt. Arnold Gun­nacao, ang mga elemento ng traffic enforcers ay idede­ploy sa Pasay Rotonda; Guadalupe sa Makati City; Shaw Boulevard sa Mandaluyong City; Ortigas sa Pasig City; Cubao at Balintawak sa Quezon City.

Sinabi ni Gunnacao na ang mga traffic enforcers ay inatasan niyang magpokus sa pagdisiplina sa mga pasaway na driver na nagiging sanhi ng malalang daloy ng tapiko at pagpapatupad ng batas trapiko.

Ayon kay Gunnacao, inis­yal pa lamang ang deployment ng 96 personnel sa EDSA  sa darating na Lunes.

Nabatid na mula sa mga personnel ng PNP-HPG ay tutulong din ang mga operatiba ng National Capital Region Police Office (NCRPO)  at iba pang mga tauhan ng mga District Police Office na nakakasaklaw sa anim na chokepoints sa EDSA.

Samantalang makikipagkoordinasyon din ang PNP-HPG  sa mga local government units at maging sa Metro Manila Development Authority (MMDA) sa pagsasaayos ng mga road blocks, mga vendors at maging sa illegal parking   ng mga behikulo.

Samantala, sasanayin muna ng MMDA ang mga ta­uhan ng PNP-HPG bago tulu­yang ipasa rito ang pamamahala sa trapiko sa Metro Manila.

Isa ito sa tinalakay sa pakikipagpulong ni Chairman Francis Tolentino kay Cabinet Secretary Rene Almendras kahapon upang pinuhin ang “implementing guidelines” ng direktiba ng Pangulo sa “take-over” ng HPG sa traffic management.

ACIRC

ANG

ARNOLD GUN

AYON

CABINET SECRETARY RENE ALMENDRAS

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

CHIEF SUPT

DIRECTOR P

DISTRICT POLICE OFFICE

MGA

NBSP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with