^

Metro

6 na sasakyan inararo ng trak: 2 patay

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dalawa ang kumpirmadong nasawi habang 14 pa  ang nasugatan makaraang araruhin ng isang delivery truck ang anim na sasakyan sa Marikina City, kahapon ng umaga.

Isa sa nasawi ay nakilalang si Edison Jan Re­yes, engineering student ng Technological Institute of the Philippines (TIP), na tumilapon palabas ng jeepney dahil sa lakas ng impact ng banggaan at ang isa naman ay si Domingo Salvador Jr.

Ang 14 na nasugatan ay ginagamot ngayon sa Amang Rodriguez, Memorial Medical Center sanhi ng mga sugat na tinamo sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan.

Isa sa mga nasugatan ay si Fernando Jenero, 43, ng Pasig City, driver  ng delivery truck ( RHW-112) na naipit ang dalawang paa. Umabot sa dalawang oras bago ito naalis sa pag­kakaipit matapos na araruhin ang tatlong pampasaherong jeepney, dalawang L-300 van at isang motorsiklo, bago tuluyang bumangga sa isang poste ng kuryente.

Kabilang din sa mga nasugatan ay si Argie Reola, assistant director ng noontime program na ‘Sunday Pinasaya’ ng GMA-7 at tatlo nitong staff na sakay ng van na nada­may sa aksidente.

Sa ulat ng Marikina Traffic Division, dakong alas-11:10 ng umaga ng maganap ang aksidente sa A. Bonifacio Avenue sa Brgy. Barangka, Marikina City.

Nabatid na galing ang truck sa Aurora Boulevard at Katipunan Avenue sa Quezon City, patungo sa Marikina City, nang maganap ang aksidente.

Sinasabing habang pa­baba ng flyover ang truck nang mawalan ito ng preno kaya sinuyod nito ang anim pang sasakyan sa kanyang unahan.

Sa lakas ng impact ng pagkakabangga, tumila­pon ang estudyante palabas ng jeepney na nagresulta sa pagkamatay nito, gayundin ang isa pang hin­di nakikilalang biktima.

ACIRC

AMANG RODRIGUEZ

ANG

ARGIE REOLA

AURORA BOULEVARD

BONIFACIO AVENUE

DOMINGO SALVADOR JR.

EDISON JAN RE

FERNANDO JENERO

MARIKINA CITY

NBSP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with