Dalawang wanted timbog
MANILA, Philippines – Natapos na ang pagtatago ng dalawang tinaguriang “number 3 at number 8 most wanted” sa Caloocan City matapos masakote ng mga awtoridad sa magkahiwalay na pagsalakay sa naturang lungsod at sa Tanay, Rizal kahapon.
Nakakulong ngayon sa Caloocan City Police detention cell ang mga akusadong sina Rafael Nocom “alyas Taping”, 26, tricycle driver, ng #140 2nd St., 4th Ave., Barangay 118, at Angelito Arnaldo “alias Angel”, 33, ng 326 Villa Maria Ext., Lakas ng Mahirap, Sa-ngandaan, kapwa ng nasabing lungsod.
Ayon sa pulisya, unang na-dakip ng mga tauhan ng Caloocan City Police Intelligence Branch at Warrant and Subpoena Section na pinangunahan ni Police Chief Insp. Crisanto Castro Lleva si Nocom sa kahabaan ng Tandang Kutyo, Tanay Rizal alas-6:40 ng umaga.
Si Nocom ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Thelma Canlas Trinidad-Pe Aguirre ng Caloocan City RTC Branch 130 dahil sa kasong Murder kaya tinagurian itong number 3 most wanted sa lungsod.
Alas-8:30 kamakalawa ng gabi nang masakote naman ng mga pulis si Arnaldo sa kahabaan ng Salmon St., Barangay 8 ng nasabing lungsod sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Dionisio Sison, ng Caloocan City RTC Branch 124 dahil sa kasong Attempted Homicide at Frustrated Murder, na naging dahilan upang ituring naman itong number 8 most wanted sa lungsod.
- Latest