^

Metro

Probe sa pamamaril sa coffee shop task force tugis malabo pa

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi pa itataas sa Task Force Usig ng Philippine National Police ang insidente ng pamamaril sa “Ka Tunyings Café” sa Visayas Avenue, Quezon City.

Ito, ayon kay Quezon City Police District Information head P/Chief Insp. Jeffrey Bilaro, ay dahil  hindi  pa matiyak kung ano ang motibo ng mga suspek  sa  pamamaril sa  coffee shop.

Hindi naman anya ina­alis ng pulisya ang anggulong  may kinalaman  sa  propesyon at negosyo ng may-ari ng coffee shop na si Anthony Taverna ng ABS-CBN ang ugat ng krimen.

Sa kasalukuyan, ang  QCPD muna ang hahawak sa kaso kung saan kadalasan na pumapasok sa TFU  ang isang krimen kapag ang  motibo sa pagpaslang o pananakit sa mamamahayag ay  dahil sa kanyang mga batikos, komentaryo o pagbubunyag.

Ang TFU ay binuo ng PNP  noong 2006 upang mag-im­bestiga at resolbahin ang media killings at iba pang pang-aapi sa mga mamamahayag sa  bansa.

ACIRC

ANG

ANTHONY TAVERNA

CHIEF INSP

JEFFREY BILARO

KA TUNYINGS CAF

NBSP

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT INFORMATION

TASK FORCE USIG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with