Kilos-protesta ng Iglesia ni Cristo ‘pinasok’ 2 sekyu ng NBI, jailguard kalaboso sa panunutok ng baril
MANILA, Philippines - Dalawang security guard ng National Bureau of Investigation (NBI) at isang jailguard ng Bureau of Corrections (BuCor) na pawang mga lasing ang inaresto ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) nang pasukin ng kanilang sasakyan ang Padre Faura St. kung saan nagvi-vigil ang libu-libong mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC) kahapon ng madaling-araw.
Mula sa MPD-station 5 , inilipat ng kustodiya sa MPD-Ge-neral Assignment and Investigation Section sa headquarters ang mga suspek na sina Lorencito Rudis ng BuCor ; Luzano Gutierrez at Manolito Sevilla na kapwa guwardiya ng NBI .
Sa imbestigasyon, ang tatlo ay pawang nakainom umano at magkakasama sa isang dark gray na Mitsubishi Lancer na pumasok sa P. Faura sa kabila ng halos hindi na mahulugang karayom sa dami ng mga nagtitipon dakong alas- 4:00 ng madaling-araw.
Dahil sa walang pakundangang pagmamaneho sa kabila ng maraming tao na miyembro ng INC na nagtipon sa harap ng DOJ ay sila pa ang nagalit umano at nagsabi na sila ay taga-NBI sabay naglabas umano ng baril at itinutok sa mga miyembro. Kaya halos kuyugin na agad namang narespondehan ng mga pulis.
Nang beripikahin, nakita na may dalang kalibre .45 baril na isyu ng gobyerno ang isa sa tatlo, kaya sila dinala sa MPD-station 5.
Dumepensa naman si Rudis na nakunan ng baril na hindi niya itinutok ito sa tao kundi hawak lamang habang nasa loob sila ng sasakyan dahil sa takot na kuyugin sila ng napakaraming miyembro ng INC.
- Latest