^

Metro

Chairman Tolentino, pinagbibitiw sa pwesto

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inilunsad ng  grupong Public Services Labor Independent Confederation (PSLINC) ang panawagang magbitiw na sa puwesto si Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino.

Sinabi  ni PSLINC President Annie Geron sa isang radio interview sa DZMM na sobra na ang “hagupit ng trapiko” na tinatanggap ng mga ordinaryong manggagawa na araw-raw nagko-commute.

Kinuwestyon ni Geron kung bakit hindi na umano mahagilap si Tolentino sa gitna ng umiigting na problema sa trapiko sa Metro Manila.

“Sobra na itong pagdurusa ng mga commuter lalo na sa mga manggagawa na kakarampot ang sinasahod ba­bawasan pa ‘pag ikaw ay nahuhuli sa trabaho,” sabi pa ng presidente ng grupo.

Banat pa ni Geron, mandato ng MMDA na siguruhing ligtas at maayos ang daloy ng trapiko pero wala anyang maramdaman sa dapat sana’y serbisyo ng ahensya.

Suspetsa ni Geron, may kinalaman sa ambisyon ni Tolentino sa 2016 ang aniya’y kawa­lan nito ng aksyon sa problema sa traffic. “Nasa period siya na umaamo na, nag-aamo na, ayaw nang isugal na siya ay magdisiplina,” dagdag pa nito.

Sa panayam noon ng DZMM, inamin ni Tolentino na tatakbo siya sa 2016 bagama’t hindi pa niya tiyak kung anong posisyon ikinasa na ng PSLINC ang isang kampanya sa Change.org para ipanawagan ang pagbibitiw ni Tolentino.

ACIRC

ANG

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

GERON

INILUNSAD

KINUWESTYON

METRO MANILA

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

PRESIDENT ANNIE GERON

PUBLIC SERVICES LABOR INDEPENDENT CONFEDERATION

TOLENTINO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with