^

Metro

Resto oobligahin nutritional contents ng menu ilagay -- Manila Dad

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Obligado na ang mga res­taurants maging ang mga fastfood chain sa lungsod­ ng Maynila na ilagay ang  nutritional contents ng mga pagkaing kanilang  ibebenta  sa menu.

Ito’y sa sandaling ma­ipasa ang isang ordinansa na naglalayong maproteksiyunan ang kalusugan ng publiko mula sa mga pagkain sa mga restaurant at  iba pang establisimyento.

Ayon kay Manila 3rd District Councilor John Marvin­ “Yul Servo” Nieto, maha­la­gang malalaman at ma­­kita ng mga consumers ang  nilala­laman ng kanilang kinakain bilang pagbibigay proteksiyon sa kanilang kalusugan.

Paliwanag ni Nieto, batay sa ordinansa kailangan nakasaad ang total number ng calories mula sa total fat; saturated fat; cholesterol; sodium, total carbohydrates; complex carbohydrates; dietary fibers, sugar at protein.

Giit ng konsehal, kaila­ngan na munang magpakita ang sinumang may-ari o ope­rator ng establisimyento ng mga kaukulang dokumento bago ito mabigyan ng business permit.

Kabilang na dito ang affidavit of compliance mula sa manager, operator at may-ari ng restaurant; video o larawan na nagpapakita ng kanilang pagsunod sa ordinansa at ang sertipikasyon mula sa Manila Health Department.

Sakaling mahuling luma­bag sa ordinansa, pagmumultahin ang mga ito ng mula P3,000 hanggang P5,000.

ACIRC

ANG

AYON

DISTRICT COUNCILOR JOHN MARVIN

GIIT

MANILA HEALTH DEPARTMENT

MGA

NBSP

NIETO

SHY

YUL SERVO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with