Pagtulong sa mga ospital tiniyak ng FFCCCI
MANILA, Philippines – Tiniyak ni Manila 3rd District Councilor Bernardito Ang na tuluy-tuloy ang gagawing pagtulong ng Fe-deration of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry (FFCCCI) sa mga ospital sa lungsod ng Maynila.
Ang paniniyak ay kasabay ng pagkakaloob ng grupo ng 40 bagong X-ray machines sa Justice Jose Abad Santos General Hospital sa Binondo Maynila kamakalawa.
Nagkakahalaga ng P20.7 milyon ang naturang donasyon mula sa pribadong sektor.
Ayon kay Ang, kailangan ng makabagong kagamitan sa mga ospital upang maserbsiyuhan ang mga Manilenyo at hindi na gumastos pa ng mahal sa pagpapagamot.
Paliwanag ni Ang, maraming kagamitan sa mga ospital ang obsolete na o sobrang luma kung kaya’t hindi nagiging maayos ang medical examination sa mga pasyente.
Sa katunayan, ang lahat namang mga organisasyon at lungsod at nababahagian ng tulong ng FFCCCI alinsunod na lamang sa kanilang mga pangangailangan.
Sinabi ni Dr. Merle Sac-dalan, director ng JJASGH, malaking tulong sa kanila ang makabagong kagamitan lalo pa’t marami ang kailangan na maisailalim sa X-Ray araw-araw.
Ginagawa din nila ang lahat ng paraan upang maserbisyuhan ng maayos at madali ang mga pasyente.
- Latest