^

Metro

‘Operation Right Birth’ isinagawa sa Baseco

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umaabot sa libong residente ng Baseco Compound ang nabigyan ng pag­kaka-taon na makapagparehistro ng kanilang birth certificate ng libre.

Sa “Operation Right Birth” na isinagawa ng Civil Registry Office sa pangunguna ng hepe nitong si Joey Cabreza at ng Philippine Statistics Office na iparehistro ang mga batang matagal nang naipanganak.

Ayon kay Cabreza, ma­laking tulong ito sa bawat pamilya na hindi  maiparehis­tro ang kanilang mga anak dahil na rin sa babayaran. Nagkakahalaga ang bawat registration ng  birth certificate ng  P140.

Paliwanag ni Cabreza, isa ito sa mga proyekto ni Manila Mayor Joseph Estrada na linisin ang bilang bawat pamilya at siguraduhin na ang  lahat ay may birth certificate.

Layon din ni  Cabreza na gawin ang libreng birth certificate sa ilan pang mga distrito sa Maynila upang matiyak ang bawat miyembro ng  pamilya.

Samantala, binigyan diin ni Cabreza na ipinatutupad niya ang ‘open door policy’ sa kanyang tanggapan kung saan lahat ay maaaring dumirekta sa kanya kung  may reklamo sa serbisyo o kanyang mga tauhan.

Dagdag ni Cabreza, mas nais niyang umaalis ng CRO ang bawat isa ng may ngiti na indikasyon na naserbisyuhan sila ng maayos ng city hall.

ACIRC

ANG

AYON

BASECO COMPOUND

CABREZA

CIVIL REGISTRY OFFICE

JOEY CABREZA

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

NBSP

OPERATION RIGHT BIRTH

PHILIPPINE STATISTICS OFFICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with